Sa araw na ito, ating gunitain ang pahina na puno ng istorya at alaala ng mga sakripisyo ng at para lamang sa bayan. Isang yugto na kung saan ang tanging puhunan ay tapang, kapalit ng ating kalayaan.
Sa gitna ng mga hamon ng bagong mundo, nawa’y ating gunitain ang katapangan ng mga bayaning sundalo na buong pusong isinugal ang sarili at lumaban noong ikalawang digmaang pandaidig. Ating alalahanin ang bawat patak ng dugo at pawis ng mga sundalong Pilipino sa pagbagsak ng Bataan noong 1942.
Gayundin ang ating pag-alaala sa katapangan ng mga makabagong bayani na kaisa sa patuloy na pagsugpo at pag-aahon sa sambayanang Pilipino mula sa lumalalang epekto ng pandemya.
Isang walang hanggang pagpupugay at pasasalamat sa lahat ng mga sakripisyo ng mga bayani na palaging pinipili at inuuna ang bayan, kaysa sarili. Isang walang hanggang pagpupugay sa mga bayani ng bayan, noon at ngayon.
Isang ligtas at payapang Araw ng Kagitingan, Ka-CURSOR!
𝗙𝗜𝗥𝗘𝗙𝗢𝗫𝗘𝗦 𝗪𝗜𝗟𝗟 𝗡𝗘𝗩𝗘𝗥 𝗚𝗢 𝗢𝗨𝗧 𝗢𝗙 𝗦𝗧𝗬𝗟𝗘 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗖𝗜𝗖𝗧 𝗠𝗘𝗥𝗖𝗛!
Get ready to elevate your style with exclusive CICT Merch! We are excited to announce that our t-shirts and lanyards are now available for...